James, Cavaliers tinalo ng Bucks sa dalawang overtime Clippers wagi sa Pistons
LOS ANGELES — Paminsan-minsan ay pinapaalala ni Jamal Crawford na maaari pa rin siyang maging isang prolific scorer.
Kumamada ang 37-anyos na veteran guard ng season-high na 37 points, tampok dito ang 10-of-10 shooting sa free throw line, para tulungan ang Los Angeles Clippers sa 101-96 paggiba sa Detroit Pistons at tapusin ang kanilang two-game skid.
Imbes na hugutin mula sa bench kagaya ng kanyang papel, isinama si Crawford sa starting lineup dahil may injury si J.J. Redick.
At sinamantala ni Crawford ang pagkakataon para magbida sa Clippers.
“We just needed to win,” sabi ni Crawford. “I never really lose confidence in myself.”
Umiskor si Blake Griffin ng 34 points, kasama rito ang isang krusyal na jumper sa natitirang 17 segundo mula sa pasa ni Crawford.
Humakot naman si DeAndre Jordan ng 10 points at 16 rebounds para sa Clippers, naglaro nang wala si injured point guard Chris Paul.
Umiskor naman si Ersan Ilyasova ng 20 points, habang kumolekta si Andre Drummond ng 18 points at 19 rebounds para sa Pistons.
Nagtala rin si Reggie Jackson ng 20 points sa ikatlong sunod na kamalasan ng Detroit.
Hawak ng Clippers ang 95-94 abante, nagmintis si Paul Pierce at nakipag-agawan naman si Griffin para sa rebound.
Sa paglabas sa baseline ay naibigay ni Griffin ang bola kay Ilyasova para muling makuha ang posesyon.
Nagsalpak si Griffin ng isang 20-footer para muling ilayo ang Clippers sa Pistons sa 97-94.
Sa Milwaukee, tumipa si Jerry Bayless ng 17 points at hindi pinaiskor si LeBron James sa second overtime para tulungan ang Bucks sa 108-105 panalo laban sa Cleveland Cavaliers.
Tumapos si James na may 37 points para sa Cleveland, natalo sa unang pagkakataon matapos isuko ang 95-97 kabiguan sa Chicago Bulls sa season opener.
- Latest