^

PSN Palaro

RC Cola pinasiklaban ang Meralco

AT - Pilipino Star Ngayon

Laro Bukas

(Cuneta Astrodome, Pasay City)

1 p.m.  Cignal vs Meralco

3 p.m.  Philips Gold vs Petron

 

MANILA, Philippines –  Naghatid si Puerto Rican import Lynda Morales ng anim na puntos sa ikalimang set para bitbitin ang RC Cola-Air Force Raiders sa 25-20, 17-25, 20-25, 25-21, 15-13 panalo sa Meralco Power Spikers sa 2015 Philippine SuperLiga (PSL) Grand Prix women’s volleyball kagabi sa The Arena sa San Juan City.

Tumapos si Morales bitbit ang 26 puntos sa 19 kills at pitong blocks at ang kanyang huling atake ang nagbigay sa Raiders ng matchpoint.

Sa opensa ng Power Spikers ay na-block ni Morales si Liis Kullerkann at kahit nabuhay pa ang bola ay nakuha ng nagbabalik na Raiders ang panalo bunga ng attack error ni Charleen Cruz.

“Magaling talaga si Lynda pero hindi namin siya ma-maximized dahil hindi maganda ang reception namin. Ito ang dapat na mag-improve sa mga susunod na game,” ani Rhovyl Verayo na may 1-0 baraha ang Raiders.

Ang isa pang import ng Raiders na si Sara Christine McClinton ay may 16 kills at 3 blocks tungo sa 20 puntos habang sina Iari Yongco, Judy Ann Caballero at Rhea Dimaculangan ay nagsanib sa 16 puntos.

May 15 kills si Kullerkann para sa 18 puntos.

vuukle comment

ANG

CHARLEEN CRUZ

COLA-AIR FORCE RAIDERS

CUNETA ASTRODOME

GRAND PRIX

IARI YONGCO

JUDY ANN CABALLERO

LARO BUKAS

LIIS KULLERKANN

LYNDA MORALES

MERALCO POWER SPIKERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with