^

PSN Palaro

PSL Grand Prix hahataw ngayon sa Biñan Petron Spikers babangga sa Cignal

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pangungunahan ng nagdedepensang Petron Lady Blaze Spikers ang paghahangad ng unang panalo sa pagsisimula ng 2015 Philippine SuperLiga (PSL) Grand Prix ngayon sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna.

Kalaban ng Lady Blaze Spikers ang Cignal HD Lady Spikers sa ganap na ala-1 ng hapon at tiniyak ni Petron coach George Pascua na gagawin nila ang lahat para matagumpay na maidepensa ang titulo tungo sa pangatlong sunod na titulo sa liga.

“Kumpleto ang tao ko at walang nabago sa mga locals. Kaya gagawin namin ang lahat para maidepensa ang aming title,” ani Pascua.

Bumalik sa koponan ang Brazilian setter na si Erica Adachi at makakasama si Rupia Inck Furtado bukod pa sa mga subok nang locals na sina Dindin Ma­nabat, Rachel Anne Daquis at Aby Maraño para manati­ling solido ang kanilang puwersa.

Hinugot naman ng Cignal sina Amanda Anderson at Ariel Usher para sikaping bigyan ng magandang laban ang Petron.

Masisilayan din ang buti ng pagkuha sa mahuhusay na manlalaro ng La Salle para isama kay Cha Cruz at Stephanie Mercado bukod pa sa imports na sina Liis Kullerkann at Christina Alessi  sa pagbangga sa Foton Tornadoes sa ikalawang laro sa alas-3 ng hapon.

Bago ito ay makulay na pagtataas ng telon ang masisilayan sa ganap na alas-12 ng tanghali at magiging panauhing panda­ngal ang FIVB executive board member na si Stav Jacobi na dumating ng bansa kahapon.

Dadalo rin si Biñan Mayor Len Alonte at PSL president Ramon “Tats” Suzara sa seremonya. (AT)

ABY MARA

ACIRC

ALONTE SPORTS ARENA

AMANDA ANDERSON

ANG

ARIEL USHER

ATILDE

CHA CRUZ

CHRISTINA ALESSI

CIGNAL

DINDIN MA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with