Nationals tututukan si Reid sa pagbangga sa Hong Kong
Laro Ngayon
9:30 a.m. Gilas Pilipinas vs Hong Kong
CHANGSHA – Ang six-foot-8 Canadian-Hong Kong Chinese na si Duncan Overbeck Reid at ilang sweet-shooting guards at wingmen ang dapat tutukan ng Gilas Pilipinas sa pagharap sa Hong Kong ngayong umaga sa Day Two ng 2015 FIBA Asia Championship.
Kumubra si Reid ng 13 points at 13 rebounds, habang tumipa sina Lee Ki, Leung Shiu Wah at Lin Ho Chun ng pinagsamang walong three-pointers sa paggiya sa Hong Kong sa 87-50 panalo sa Kuwait kahapon.
Tinalo ng Gilas ang Hong Kong, 67-55, sa kanilang unang pagkikita sa FIBA Asia meet noong 2013 sa Manila.
Ang kapatid ni Filipino coach Derrick Pumaren na si Dindo ang tumulong sa training ng Hong Kong.
Dahil sa kabiguan ng Gilas sa Palestine ay inaasahang pagbubuntunan nila ng galit ang Hong Kong.
“It won’t be payback (for us in our loss to them in Manila). But we’re looking forward to the game. We’re looking forward to gain experience,” sabi ni Reid, naglaro ng collegiate ball sa Canada.
- Latest