^

PSN Palaro

Smart/MVPSF, PLDT Home Ultera Inter-School taekwondo tournament

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawang mahahalagang national inter-school taek­wondo championships ang gagawin sa Setyembre 19 at 20 sa Ninoy Aquino Stadium.

Nasa 1000 jins ang inaasahang sasali sa patimpalak sa free sparring na suportado ng SMART/MVP Sports Foundation, at poomsae (forms) na may ayuda ng PLDT Home Ultera ayon sa Organizing Committee chairman na si Sung Chon Hong.

Ang mga paaralang nagpatala na ay ang La Salle-Taft, Zobel, Lipa at Dasmariñas, College of St. Benilde, UP, San Beda-Alabang, Mendiola at Taytay, Letran, Don Bosco School sa Makati at Mandaluyong, Dili­mian Preparatory School, UST, UE, Arellano, University of Baguio, University of Batangas at School of St. Anthony.

Ang mga paglalabanan ay Novice at Advance at ito ay magkakaroon ng walong dibisyon na senior,  junior, cadet at grade school sa kalalakihan at kababaihan.

Ang poomsae ay bukas lamang sa mga blackbelt students at ang paglalabanan ay individual, pair at team.

Sumusuporta sa dalawang araw na kompetisyon ay ang PLDT, Meralco, PSC at Milo at ito ay magsisimula sa ganap na ala-9 ng umaga.

vuukle comment

ACIRC

ANG

COLLEGE OF ST. BENILDE

DON BOSCO SCHOOL

HOME ULTERA

LA SALLE-TAFT

NINOY AQUINO STADIUM

ORGANIZING COMMITTEE

PREPARATORY SCHOOL

SAN BEDA-ALABANG

SCHOOL OF ST. ANTHONY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with