^

PSN Palaro

Kinuha nina Morrison at Ilao sa taekwondo event, dagdag na 2 tanso sa Pinas

Beth Repizo-Meraña - Pilipino Star Ngayon

INCHEON, KOREA – Dalawang bronze medals ang naiambag nina Samuel Morrison at Levita Ronna Ilao sa pagsisimula ng taekwondo competition sa 17th Asian Games kahapon sa Ganghwa Dolmens Gymnasium dito.

Sinagupa ni Morrison, isang silver medalist noong  2013 World Championships sa Puebla, Mexico, si Masoud Hajizarvareh ng Iran sa semifinals sa men’s -74kg di­vision at minalas na lumasap ng referee-stop-con­test loss.

May 1:32 sa orasan sa second round nang nakitang sinadya ng Iranian jin na sikuhin sa kaliwang colar bone si Morrison na hindi na nakatayo dahil sa sakit at kaagad isinugod sa os­pital.

Hindi rin pinalad si Ilao na pumasok sa gold medal bout sa women’s -49kg. category nang yumukod kay Zhaoyiu Li ng China, 1-5.

Lumaban din sina Kristopher Robert Uy at Nicole Abi­­gail Cham pero hindi sila umabante sa medal round sa men’s -87kg at women’s -53kg. divisions, ayon sa pag­­­kakasunod.

Si Uy ay nanalo muna kay Chao Hao ng Macau,  9-2,  pe­o pinatalsik ni Linglong Chen ng China, 3-5, sa quarterfinals, habang si Cham ay sibak agad sa unang laban kontra kay Sarita Phongsri ng Thailand, 0-12.

Ang iba pang lalaban ay sina Pauline Louise Lopez (women’s -57kg.), Mary Anjelay Pelaez (women’s -46kg) at Christian Dela Cruz (men’s -80kg).

Matapos ang ika-12 araw ng kompetisyon sa Incheon Asiad, ang Pilipinas ay wala pa ring gintong medalya pero may dalawang pilak at apat na tanso para malagay sa medal tally.

Ang dalawang silver medal ay nanggaling kina Daniel Parantac at  Jean Claude Saclag sa wushu competition.

ASIAN GAMES

CHAO HAO

CHRISTIAN DELA CRUZ

DANIEL PARANTAC

GANGHWA DOLMENS GYMNASIUM

INCHEON ASIAD

JEAN CLAUDE SACLAG

KRISTOPHER ROBERT UY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with