Blazers binawian ang Stags
Laro Bukas
(The Arena, San Juan)
12 nn Mapua vs Lyceum (Srs/Jrs)
4 p.m. Perpetual Help
vs Jose Rizal University
MANILA, Philippines - Naibalik agad ni Mark Romero ang dating porma habang nag-init si Jonathan Grey sa huling yugto para itulak ang St. Benilde Blazers sa 80-74 panalo sa San Sebastian Stags sa 90th NCAA men’s basketball kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Nalimitahan sa limang puntos sa naisukong laro laban sa San Beda Red Lions, 54-78, si Romero ay nagpasabog ng 25 puntos, na sinangkapan ng limang triples. Si Grey ay may 18 matapos ang 19 ni Paolo Taha.
Tatlong triples ang binitiwan ni Romero sa ikatlong yugto para tabunan ng Blazers ang pitong puntos na pagkakalubog sa halftime at umabante pa ng dalawa, 59-57, sa pagpasok sa huling yugto.
Nagpalitan ng kalamangan ang magkabilang koponan at si Bobby Balucanag ang nagbigay ng 66-64 abante sa Stags.
Ito na pala ang huling tikim ng bentahe ng Stags na lumamang ng hanggang 17 puntos sa first half, 40-23, dahil limang puntos sa 7-0 bomba ang ginawa ni Grey tungo sa 71-66 bentahe.
Umangat ang Blazers sa 8-5 karta para dumikit ng isang laro sa mga nasa ikatlo at apat na puwesto na Perpetual Help Altas at Jose Rizal University Heavy Bombers na may magkatulad na 8-4 baraha.
Buhay pa rin ang tsansa ng back-to-back finalist Letran Knights na makapasok sa semis sa 79-70 panalo sa Emilio Aguinaldo College Generals sa ikalawang laro.
May 27 puntos si Kevin Racal at dalawa lamang sa walong buslo sa 3-point line ang kanyang isinablay para pagningningin ang ikalimang tagumpay matapos ang 12 laro. (ATan/Merrowen Mendoza-trainee)
St. Benilde 80 – Romero 25, Taha 19, Grey 18, Ongtenco 7, Sinco 5, Saavedra 4, Bartolo 2, Jonson 0, Deles 0.
SSC-R 74 – Dela Cruz 21,Guinto 13, Perez 13, Ortouste 9, Yong 6, Balucanag 4, Fabian 3, Santos 3, Camasura 2, Calisaan 0, Pretta 0
Quarterscores: 16-24; 33-40; 59-57; 80-74.
Letran 79 – Racal 27, Nambatac 15, Cruz 14, Gabawan 6, Singontiko 6, Saldua 3, Ruaya 3, Quinto 3, Luib 0.
EAC 70 – Serrano 17, Onwubre 15, Jamon 14, General 8, Tayongtong 6, Aguilar 4, Santos 4, Mejos 1, Saludo 1, Pascual 0,.
Quarterscores: 16-21; 40-38; 54-51; 79-70.
- Latest