Lady Bombers sumabog sa Lady Chiefs
MANILA, Philippines — Limang sets ang binuno ng Arellano University bago giniba ang Jose Rizal University, 25-27, 25-13, 19-25, 25-9, 15-9 sa NCAA Season 100 women’s volleyball tournament 1st round eliminations na nilaro sa EAC Gym-Gen. Luna sa Paco, Manila, kahapon.
Nagtala ng malulutong na palo sina Laika Tudlasan at Samantha Gabrielle Tiratira upang tulungan ang Lady Chiefs na pagandahin ng bahagya ang kanilang karta sa 4-3.
Abot kamay pa rin ng Arellano ang magic four dahil isang laro lang ang hinahabol nila sa No. 4 na San Sebastian College-Recoletos, solo sa tuktok ng team standings ang University of Perpetual Help System DALTA, (6-0) habang magkasalo ang defending champion College of Saint Benilde at Letran sa pangalawang puwesto na may tig 6-1 cards.
Nirehistro ni Tudlasan ang 24 points mula sa 22 attacks at dalawang service aces.
Samantala, nagwagi sa first game ng women’s division ang San Sebastian College-Recoletos kontra Lyceum of the Philippines, 30-28, 25-21, 25-18.
Pinamunuan ni Katherine Santos ang iskoran para sa Lady Stags, nagtala ito ng game-high 22 points kasama ang 21 attacks at isang block.
- Latest

















