Buzzer-beating tip-in ni James naglusot sa Lakers
INDIANAPOLIS — Isinalpak ni LeBron James ang isang buzzer-beating tip-in, habang kumamada si Luka Doncic ng 34 points sa 120-119 paglusot ng Los Angeles Lakers sa Indiana Pacers.
Tumapos si James na may 13 points, 13 rebounds at 7 assists at naglista si Doncic ng 7 rebounds, 7 assists at kumonekta ng anim na three-pointers sa pagpigil ng Lakers (44-28) sa kanilang three-game losing skid.
Kumamada si Bennedict Mathurin ng 23 points at tumipa si Tyrese Haliburton ng season-high 18 assists at 16 points para sa Pacers (42-30).
Ang three-point play ni Haliburton na bahagi ng 7-0 atake ng Indiana ang nagbigay sa kanila ng 119-118 abante.
Lumuwa ang midrange floater ni Doncic kasunod ang buzzer-beating tip-in ni James para itakas ang Los Angeles.
Sa New York, naglista si James Harden ng 29 points, 6 rebounds at 6 assists habang may 27 markers si Kawhi Leonard sa 126-113 paglunod ng LA Clippers (41-31) sa Knicks (45-27).
Sa Phoenix, umiskor si Kristaps Porzingis ng 30 points at may 24 markers si Jaylen Brown sa 132-102 paggupo ng nagdedepensang Boston Celtics (54-19) sa Suns (35-38).
Sa Denver, nagkuwintas si Nikola Jokic ng triple-double na 39 points, 10 rebounds at 10 assists sa kanyang pagbabalik matapos ang two-week absence para igiya ang Nuggets 46-28) sa 127-117 panalo sa Milwaukee Bucks (40-32).
- Latest