Pacquiao head coach ng Kia sa PBA
MANILA, Philippines - Mula sa boxing ring hangÂgang sa basketball court.
Bilang head coach ng expansion team na Team Kia, pipilitin ni Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao na maigiya sa panalo ang koponan sa darating na 40th season ng Philippine Basketball Association (PBA).
Nauna nang napabalitang tatayong playing/coach ng Team Kia ang 5-foot-6 na si Pacquiao.
“Sa ngayon ay head coach ako at ang paglalaro ay hindi pa natin napag-iisipan. Naka-focus ako ngayon sa pagko-coach, kumuha ng mga magagaling na players at mag-organize ng isang magaling na team,†sabi ni Pacquiao.
Kung sasalang ang 35-anyos na si Pacquiao sa darating na PBA Rookie Draft sa Agosto 24 ay posibÂ- leng kunin siya ng iba pang PBA teams.
Kasalukuyan nang nagsasagawa ng tryouts ang Team Kia kung saan palagiang bumibisita ang Sarangani Congressman.
“Right now, wala pa kaming team. August pa naman ang (PBA) drafting baka sakaling makakuha kami doon,†sabi ni Pacquiao.
Ang kanyang karanasan sa pag-eensayo sa boxing ay siya rin niyang gagawin sa Team Kia, ayon kay ‘Pacman’..
“Puwedeng paghaluin ‘yung ginagawang training sa boxing sa basketball, especially ‘yong plyometrics,†sabi ni Pacquiao na naging coach ng kanyang MP-GenSan Warriors team sa dating Liga Pilipinas.
Napabalitang gustong kunin ng Team Kia si dating Sen. Robert Jaworski, Sr. bilang special team consultant.
“Kung sino ‘yung maÂkapag-contribute para mag-champion kami, bakit hindi,†sabi ni Palawan Gov. Jose Chavez Alvarez ng Colombian Autocar Corporation na local distributor ng Kia.
- Latest