^

PSN Palaro

85 local exhibitors nagparehistro para sa 1st International Gamefowl Festival sa SMX

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kumbinsido ang mga la­lahok sa kauna-unahang In­ternational Gamefowl Fes­tival na magtatagum­pay ang mga aktibidades na ga­­gawin sa susunod na ling­go sa SMX Convention Cen­ter sa  SM Mall of Asia grounds sa Pasay City.

May 85 local exhibitors ang nagpatala na sa pesti­bal na gagawin mula Enero 17 hanggang 19, ngunit lo­lobo pa ito dahil hindi pa ka­sali sa talaan ang mga da­­yuhang makikiisa sa kaganapan.

Ito ang unang pagkaka­taon na magkakaroon ng isang pestibal na tutukoy lamang sa gamefowl da­hil dati ay isinasabay ito sa malalaking derby ka­ya naniniwala ang mga ma­kikilahok na mas magiging epektibo ito lalo na kung pag­tulong sa mga papasibol na breeders ang pag-uusapan.

“Mas mapo-focus nga­yon ang mga products sa gamefowl di tulad dati na maraming clients na hin­di naman interesado sa gam­efowl. It will be much better this time dahil makikita agad ng mga gustong bu­mili ang mga hanap nila,” wika ni Carlo Aguilar, kapatid ni Las Piñas Mayor at ki­lalang sabungerong si Vergel “Nene” Aguilar.

Ang mga kilalang panabong na manok ni Aguilar na allen roundhead at mga pullet ang mga ihahain sa kanilang booth na mabibili sa mas murang halaga na P2,000.00 hanggang P20,000.00.

Ilan pa sa mga bigatin sa industriya na nagkumpir­ma na mage-exhibit ay ang mga premyadong manok ni Davao base Rogelio “Be­bot” Uy, ang kakaibang white Velcro nina Lito at King Guerra at ang mga pa­labang manok ng World Slasher Cup champion Law­rence Wacnang.

Upang mabigyan ng pag­kakataon ang mga gus­tong bumili na makita ang kondisyon ng mga bi­­nibiling ma­nok, isang ru­weda ang ila­lagay sa pag­darausan ng pestibal pa­ra dito makilatis ang ga­ling ng mga panabong na ma­nok.

Tatayong major sponsors sa nasabing tatlong araw na kaganapan ang Thun­­derbird at Lakpue Drug Inc.

vuukle comment

AGUILAR

CARLO AGUILAR

CONVENTION CEN

DRUG INC

GAMEFOWL FES

KING GUERRA

LAS PI

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with