Pilipinas tatayong host sa pulong ng Olympic Council of Asia sa Jan. 17-18
MANILA, Philippines - Magiging punong-abala ang Pilipinas sa loob ng daÂlawang araw sa pagpupuÂlong ng Olympic Council of Asia (OCA) na gagawin sa Hotel Sofitel at Philippine InÂternational Convention CenÂter sa Pasay City.
Mangunguna sa pulong ang pangulo ng OCA na si Sheikh Ahmad Al-Fahad Al-Sabah ng Kuwait, habang inaÂasahang magpapadala rin ng kinatawan ang 44 na iba pang kasaping bansa sa pagpupulong na gagawin mula Enero 17 at 18.
Ang nasabing pagtitipon ay dapat isinagawa noÂon pang Nobyembre at tinagurian pang Asian Games Centennial FestiÂval sa Boracay bilang pagÂgunita ng 100 taon ng pagÂkakatatag ng Asian Games.
Hindi natuloy ang selebÂrasyon sa Boracay matapos ang paghagupit ng SuÂper typhoon Yolanda (Haiyan) noong Nobyembre 8 sa Kabisayaan na kumitil ng humigit-kumulang na anim na libong tao.
Sa Pilipinas nagkaroÂon ng buhay ang Asian Games dahil noong Pebrero 1913 ginawa ang kauna-unahang multi-sports event sa Asia na nakilala bilang Far Eastern Championship.
Noong 1951 ay binago ang pangalan patungo sa Asian Games nang ginawa ang palaro sa New Delhi, InÂdia.
“It will be some sort of comÂmemoration ng birth of the Asian Games,†wika ni POC 1st vice-president Joey Romasanta.
Inalis na ang naunang magarbong pagtatanghal na naunang plano at sa haÂlip ay isang welcome dinner na lamang ang gagawin ng POC.
“Ang mangyayari na laÂmang ay isang welcome dinner sa January 17 na may Filipiniana show,†dagdag ni Romasanta.
Magdaratingan ang mga delegado sa Enero 16 at kinabukasan ang unang araw na pagpupulong.
Ang Financial Committee, Environmental Committee, Culture Committee at Rules Committee ang mga mauunang magpupulong mula ika-9 ng umaga, haÂbang sa ganap na alas-12 ng tanghali gagawin ang OCA Executive Board Meeting.
Sa Enero 18 sa PICC sa ganap na alas-10 ng umaÂga gagawin naman ang 32nd OCA General Assembly.
Magsisibalikan ang mga delegasyon sa kaÂnilang bansa sa gabi ng EneÂro 18 o sa umaga ng EneÂro 19.
Tumutulong ang Philippine Sports Commission (PSC) para maayos na maisagawa ang pagpupulong.
- Latest