^

PSN Palaro

Yalin Women’s World 10-ball championship Amit tinumbok ang Chinese cue artist

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinalo ni Rubilen Amit ng Pilipinas si Bi Zhu Qing ng China, 6-4, para simulan sa pamamagitan ng panalo ang laban sa round robin stage ng 2013 Yalin Women’s World 10-Ball Championship sa Resorts World Manila.

Si Amit na dating World Champion tulad ni Qing ay umarangkada agad sa unang dalawang racks at kahit nakabawi ang Chinese player ay hindi nasira ang loob ng Filipina pool player para makuha ang unang panalo sa Group 7.

May 48  manlalaro mula sa iba’t ibang bansa ang kasali at sila ay hinati sa walong grupo para made­termina ang tig-apat na manlalaro na aabante sa 32-woman knockout stage.

Nakitaan din ng galing si Allison Fisher ng England nang kunin ang 6-2 panalo kay Yu Ram Cha ng Korea sa isa pang laro sa Group 3.

Hindi lang si Amit na im­bitado sa torneo, ang magdadala ng laban para sa host country dahil nasa torneo rin ang mga batang sina 14-anyos Cheska Centeno at 16-anyos Gillian Go at Iris Ranola na pawang lumusot sa qualifiers.

Si Centeno ay lalaro sa Group  Five, si Go ay kasali sa Group Six habang si Ranola ay kasama si Amit sa Group Seven.

Nangunguna sa mga dayuhan si Ga Young Kim ng Korea na siyang nagde­depensang kampeon.

ALLISON FISHER

BALL CHAMPIONSHIP

BI ZHU QING

CHESKA CENTENO

GA YOUNG KIM

GILLIAN GO

GROUP SEVEN

GROUP SIX

IRIS RANOLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with