^

PSN Palaro

Lhuillier masusubukan sa Cafe France

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Ynares Sports  Arena, Pasig City)

12 p.m. Zambales M-Builders vs Wang’s Basketball

2p.m. Arellano U vs Hog’s Breath Café

4p.m. Cebuana Lhuillier

vs Café France

 

MANILA, Philippines - Apat pang koponan ang magbubukas ng kampanya habang babangon mula sa pagkatalo ang dalawang iba pa sa pagpa­patuloy ngayon ng PBA D-League Aspirants’ Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Ipapamalas ng Cebuana Lhuillier ang bagong lakas nang hugutin ang core players ng UE para katawanin ang koponan sa pagharap sa Café France sa tampok na laro sa triple-header sa dakong alas-4 ng hapon.

Si Red Warriors coach David Zamar ang siya ring magmamando sa pagkakataong ito at sasandal sa mga manlalarong sina Roi Sumang, Lord Casajeros, Chris Javier, Adrian Santos at Ralph Olivares na siyang nagsikap pero kinapos na bitbitin ang UE sa Final Four.

Ang chemistry ang da­pat na makita agad sa ko­ponan lalo pa’t ang Bakers ay magnanais na buma­ngon mula sa 74-83 pagkatalo sa Cagayan Valley sa unang laro.

Sasalang din ang Zambales M-Builders na galing sa talo sa kamay ng Ri­sing Suns noong Martes, 87-91, laban sa baguhan ding Wang’s Basketball sa ganap na alas-12 ng tanghali habang ang Arellano University at Hog’s Breath Café ang magtutuos sa ikalawang laro dakong alas-2 ng hapon.

ADRIAN SANTOS

ARELLANO U

ARELLANO UNIVERSITY

BREATH CAF

CAGAYAN VALLEY

CEBUANA LHUILLIER

PASIG CITY

ZAMBALES M-BUILDERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with