^

PSN Palaro

BWC national elims gugulong bukas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bubuksan bukas ang una sa dalawang quali­fying period para sa national eliminations para sa Bow­ling World Cup.

May 13 venues na pu­wedeng puntahan ng mga bowlers na gustong mapabilang sa mga manlalarong puwedeng masama sa pagpipilian bilang kinata­wan ng bansa sa World Cup.

Ang mga venue na pag­darausan ng unang quali­fying ay ang  Astro­bowl, Superbowl, Common­wealth, Paeng’s Midtown Bowl, Coronado Lanes, SM Mall of Asia, Paeng’s Freedom Imus, Puyat Sports Baguio, SM North Edsa, SM Fairview, Paeng’s Eastwood Bowl, Q Plaza at SM Valenzuela.

Bukas sa kalalakihan at kababaihang bowlers na edad 16-anyos pataas ang qualifying at dapat ay may Philippine passport ang sasali.

Ang ikalawang qualifying ay mula Hunyo 21 hanggang Agosto 15 at ang national finals ay gaganapin sa Setyembre para madetermina ang mga national champions na siyang sasabak sa World Cup sa Sibiryak Center, Kransamoyarsk sa province ng Syria.

Sina RJ Bautista at Krizziah Tabora ang mga kumatawan sa Pilipinas sa 2012 sa Poland at si Tabora ay tumapos sa ika-14th puwesto.

Isa ang Pilipinas sa mga tinitingalang bansa sa World Cup dahil sa pagkakaroon ng apat na World Cup champions sa katauhan nina Paeng Nepomuceno, Bong Coo, Lita de la Rosa at CJ Suarez.

Si Paeng ay may record sa pinakamaraming World Cup title na apat.

BONG COO

CORONADO LANES

EASTWOOD BOWL

FREEDOM IMUS

KRIZZIAH TABORA

MALL OF ASIA

PAENG

SHY

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with