Kahit wala sina Muller, Etheridge Weiss kumpiyansa pa rin
BANGKOK--Komportable na ang Philippine Azkals sa kanilang line-up para sa AFF Suzuki Cup kahit na wala sina goalkeepers Neil Etheridge at Roland Muller.
Opisyal nang hindi makakalaro ang mga Fil-British na sina Etheridge at Muller para sa group stages ng torneo na magsisimula bukas dahil sa pagkampanya nila para sa Fulham FC at MSV MSV Duisburg, ayon sa pagkakasunod.
Sa kabila nito, kumpiyansa pa rin sina coach Michael Weiss at manager Dan Palami na maganda ang ilalaro ni goalkeeper Ed Sacapaño katuwang sina Fil-Danish Jerry Lucena at Dennis Cagara, Fil-Dutch Paul Mulders at Fil-Spanish Angel Guirado.
“In Germany, when I was younger and playing, we always said the ones who are not here doesn’t count so why would this (absence of keepers) be an issue? How will it help me if I keep moaning and crying about Neil and Muller not being here ?,” wika ni Weiss bago magsagawa ng team practice.
Nagbida si Sacapaño sa 1-0 panalo ng Azkals laban sa Singapore Lions sa kanilang friendly sa Cebu noong nakaraang linggo.
“I would be the happiest man if he can continue that. This man has been very, very hard in training on himself and pushing himself over the limit even if he didn’t have many chances. And when he’s there, he’s always very good,” ani Weiss.
- Latest