Pagbabalik ni James diniskaril ng Bulls

LOS ANGELES - Bumanat si Coby White ng 36 points sa 146-115 paglampaso ng Chicago Bulls sa Lakers at diniskaril ang pagbabalik sa aksyon ni LeBron James mula sa strained left groin injury.
Nagdagdag si Matas Buzelis ng 31 points para sa Chicago (31-40) at tumipa si Josh Giddey ng 15 points, 17 assists, 10 rebounds at 8 steals.
Humugot si Luka Doncic ng 29 sa kanyang 34 points sa first half at nagsalpak ng walong three-pointers sa panig ng Los Angeles (42-27) habang tumapos si James na may 17 points matapos ang seven-game absence.
Nag-ambag si Austin Reaves ng 25 points para sa Lakers na dumikit sa halftime, 62-65, bago bumira si White ng 12 points patungo sa pagtatayo ng Bulls ng isang 39-point third quarter lead.
Sa Sacramento, humakot si Giannis Antetokounmpo ng 32 points at 17 rebounds sa 114-108 pagpapabagsak ng Milwaukee Bucks (40-30) sa Kings (35-35).
Sa New York, nagkadena si Karl-Anthony Towns ng 31 points at 11 rebounds habang may 27 markers si Mikal Bridges sa 122-103 paggupo ng Knicks (44-26) sa Washington Wizards (15-55).
- Latest