^

PSN Palaro

GTK lalabanan si Cojuangco sa POC election

- The Philippine Star

MANILA, Philippines -Inihayag kahapon ni athletics president Go Teng Kok ang kanyang intensyon na la­banan si Jose ‘Peping’ Cojuangco, Jr. para sa presidential election ng Philippine Olympic Committee sa Nobyembre 30.

“I will run against Mr. Cojuangco even if I know I don’t have a chance of winning,” sabi ni Go sa kanyang paghahamon kay Cojuangco para sa POC top post.

Idinagdag pa ng pangulo ng Philippine Amateur Track and Field Association na kaagad siyang nakatanggap ng suporta.

“I received over 50 text messages of support from my friends in the sports com­munity and even those from other coun­tries,” wika ni Go. “I’m doing this to wake up fellow NSA (National Sports Associations) leaders to step up the plate and bring in the much needed change.”

“My declaration is a wake-up call to all NSA heads. And if anyone among them decides to run, I will give way and support him instead,” dagdag pa nito.

Noong 2000 ay nilabanan ni Go si fen­­cing chief Celso Dayrit para sa POC presidency kung saan siya natalo at noong 2004 ay sinuportahan niya ang kandidatura ni Cojuangco.

Nasa likod pa rin ni Cojuangco si Go nang makuha ng dating Tarlac Congressman ang kanyang ikalawang sunod na ter­mino kontra kay shooting head Arturo Macapagal noong 2008.

Ngunit matapos ito ay nagkaroon ng sigalot sina Go at Cojuangco.

Sa nakaraang mga linggo ay marami ang humimok kay businessman/sportsman Manny V. Pangilinan ng basketball as­sociation na sumali sa POC presidential race.

Ngunit sinabi ni Pangilinan na hindi siya interesado at mananatili siyang ‘neutral’ sa POC elections.

ARTURO MACAPAGAL

CELSO DAYRIT

COJUANGCO

GO TENG

MANNY V

MR. COJUANGCO

NATIONAL SPORTS ASSOCIATIONS

NGUNIT

PANGILINAN

PHILIPPINE AMATEUR TRACK AND FIELD ASSOCIATION

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with