^

PSN Palaro

Sanchez babandera sa Philippines swimming team sa Asiad

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Sanchez babandera sa Philippines swimming team sa Asiad
Kayla Sanchez.
BCDA photo

MANILA, Philippines — Babanderahan ni two-time Olympian Kayla Sanchez ang isang seven-man Philippine aquatics team na sasabak sa darating na 20th Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan.

Ito ang ikalawang pagkakataon na lalahok si Sanchez sa Asiad, nakatakda sa Setyembre 19 hanggang Oktubre 4, matapos sumalang sa Hangzhou, China sa 2023 edition.

Wala siyang nasisid na medalya sa nasabing quadrennial event.

Nagmula ang 25-anyos na Fil-Canadian sa paghakot ng tatlong gold at limang silver medals sa nakaraang 33d Southeast Asian Games sa Bangkok, Thailand noong Disyembre.

Ang tatlong ginto sa biennial event ay kinuha ni Sanchez sa women’s 100-meter freestyle, 100m backstroke at 4x100m freestyle relay.

Naging bahagi si Sanchez ng Canadian national team na lumangoy ng pilak na medalya sa women’s 4x100m freestyle relay event at tanso sa 4x100 freestyle medley sa 2020 Tokyo Olympics.

Wala siyang nakuhang medalya sa 2024 Paris Olympics, ngunit nagtala siya ng bagong national record sa women’s 100m freestyle.

Kasama ni Sanchez sa swimming team para sa 2026 Asian Games sina Xiandi Chua, Teia Isabella Salvino at Heather White.

Sina Logan Wataru Noguchi at Gian Christopher Santos ang bumubuo sa men’s swimming squad, habang si Ariana Hannah Drake ang nag-iisang lalaban sa diving event.

Bago ang 2026 Asiad ay lalaban muna sina Sanchez, Santos at Noguchi sa parating na Pan Pacific Swimming Championships sa Irvine, California na nakatakda sa Agosto 12 hanggang 15.

KAYLA SANCHEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with