^

PSN Palaro

Lin at Houston nagkasundo na; Kidd tinanggihan ang Dallas

- The Philippine Star

HOUSTON--Isang sour­ce ang nagsabing nag­kasundo na sina New York Knicks restricted free-agent guard Jeremy Lin at ang Houston Rockets para sa isang four-year contract offer.

Pero hindi pa ito pormal na inihahayag ng Rockets.

Maaaring lagdaan ni Lin ang offer sheet sa Houston sa Hulyo 11, at may tatlong araw naman ang Knicks para pantayan ito.

Ang naturang kontrata ay nagkakahalaga ng $10.2 milyon sa unang da­lawang seasons at $9.3 milyon sa huling dalawang taon, habang ang ikaapat na season ay isang team option.

Dinala rin ng Rockets si Kyle Lowry sa Toronto para sa isang future first-round draft pick kasama ang lottery protection at si forward Gary Forbes.

Nakita na ng Rockets si Lin sa kanilang trai­ning camp, ngunit hindi ito ki­nu­ha dahil kina Lowry at Goran Dragic na nasa ka­nilang roster. Sa pagdadala kay Lowry sa Raptors at pagpunta ni Dragic sa Phoenix, pinipilit ng Houston na makuha si Lin.

Nahugot si Lin ng Knicks matapos siyang pakawalan ng Rockets kasunod ang kanyang pagiging starting point guard ng New York at ang pagsikat ng ‘’Linsanity”.

Samantala, tinanggihan naman ng 39-anyos na si Jason Kidd ang isang three-year, $9 million offer ng Dallas Mavericks para lumipat sa Knicks na may gayunding alok sa kanya.

Hindi puwedeng papirmahin ng NBA teams ang free agents hanggang sa Hulyo 11, subalit ang negosasyon ay nagsimula na noon pang Hulyo 1 at ilang serye ng mga deals ang naiulat na.

 Nagtala si Kidd, isang 18-year NBA veteran at 10-time NBA All-Star, ng ave­rage na 6.2 points, 5.5 assists at 4.1 rebounds kada laro sa 48 appearances sa Mave­ricks noong huling season. At tanging kampeonato na kanyang napagwagian sa Dallas ay noong 2011.

DALLAS MAVERICKS

DRAGIC

GARY FORBES

HOUSTON ROCKETS

HULYO

JASON KIDD

JEREMY LIN

KYLE LOWRY

NEW YORK

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with