^

PSN Palaro

Katatagan ng Unibikers, gigibain ng Dolphins at Bulls

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Susukatin ang tibay ng Dumaguete Unibikers sa pagharap sa Cebu Dolphins at Batangas Bulls sa pagpapatuloy ng Baseball Philippines Series 9 ngayon sa Parade Grounds sa Clark Field, Pampanga.

Solo liderato ang Unibi­kers matapos angkinin ang 10-3 at 18-17 panalo laban sa Alabang at Taguig na nangyari sa huling laro ng ligang inorganisa ng Community Sports Inc. noong Abril 22.

Pihadong totodo naman ng laro ang Dolphins at Bulls para ibangon ang sarili mula sa kasalukuyang kinalalagyan na pagsalo sa ikalawa hanggang ikaapat na puwesto kasama nila ang Sharks at Alabang Tigers sa 2-2 baraha.

Ang nagdedepensang Sharks ay mapapalaban sa Tigers at Patriots habang ang Cebu ay haharap sa Alabang at ang Batangas ay kakasahan ang Taguig na siyang nangungulelat sa anim na koponang liga sa isang panalo matapos ang apat na laro.

Sinusuportahan ang li­gang ito ng Gatorade, Emperador Light, Clark Development Corporation, Harbour Centre, Philippine Transmarine Corp at Eagle Sky Inc.

vuukle comment

ALABANG

ALABANG TIGERS

BASEBALL PHILIPPINES SERIES

BATANGAS BULLS

CEBU DOLPHINS

CLARK DEVELOPMENT CORPORATION

COMMUNITY SPORTS INC

DUMAGUETE UNIBIKERS

EAGLE SKY INC

EMPERADOR LIGHT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with