^

PSN Palaro

FIFA at Ph football program patuloy na susuportahan ng Smart

-

MANILA, Philippines - Makakatanggap ang mga tumatangkilik sa Smart ng mga mensahe o resulta ng laro sa football.

Ito ay matapos ihayag ni Smart Chief Wireless Advision Orlando B. Vea ang patuloy na pagsuporta sa mga programa ng Fede­ration Internationale de Football Association (FIFA) at Philippine Football Fede­ration sa pagpupulong na nangyari sa tatlong organi­sasyon kamakailan.

 “Filipinos can maximize their tremendous potential to be part of this global sport,” wika ni Vea.

“We are committed to supporting the PFF, the FIFA-affiliated football governing body in the country and would like to see it grow beyond its current development stage. Play more, live more!” dagdag ni Vea.

Si FIFA Management Consultant Brendan Mew­ton ang kumatawan sa world football body at pi­nasa­lamatan niya ang pag­laki ng suporta sa number one sport sa mundo ng Smart.

 Sa plano, gagamitin ng Smart ang kanilang Infoboard solution upang makatanggap at makapagpamahagi ng mga kalatas patungkol sa advisories, resulta ng mga laro sa bansa at sa labas ng bansa at iba pang balita sa mga Smart cell phone subscribers.

Ang nasabing kumpan­ya na pag-aari ni Manuel V. Pangilinan ay siyang pa­ngu­nahing nagtataguyod sa sport bukod pa sa pagiging sponsor ng national team na Philippine Azkals na kamakailan ay tumapos sa makasaysayang ikatlong puwesto sa AFC Challenge Cup.

CHALLENGE CUP

FEDE

FOOTBALL ASSOCIATION

MANAGEMENT CONSULTANT BRENDAN MEW

MANUEL V

PHILIPPINE AZKALS

PHILIPPINE FOOTBALL FEDE

SHY

SMART CHIEF WIRELESS ADVISION ORLANDO B

VEA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with