^

PSN Palaro

Nowitzki 'di napigil ng Spurs

-

DALLAS - Kahit sino ang ipabantay ng San An­tonio Spurs kay Dirk No­witz­ki ay hindi mapigilan ang 7-foot All-Star sa paggawa ng puntos para sa Dallas Mavericks.

“He probably doesn’t get enough credit for being the competitor that he is, and for being so tough-minded,” sabi ni teammate Lamar Odom kay Nowitzki.

Umiskor si Nowitzki ng 27 points para pangunahan ang defending NBA champion Mavericks sa 106-99 paggupo sa Southwest Di­vision-leading Spurs para sa kanilang ikatlong sunod na panalo.

Hindi pinahintulutan ng Dallas na malamangan sila ng San Antonio matapos ang 2-all.

Isang 20-foot jumper ni Nowtizki ang nagbigay sa Mavericks ng isang 10-point lead kontra sa Spurs sa third quarter.

Nakadikit ang San Antonio sa 5 puntos buhat sa isang 3-pointer ni Manu Ginobili sa ilalim ng 3:00 minuto sa fourth quarter ka­sunod ang kinuhang 8 puntos ng Dallas patungo sa kanilang tagumpay.

Nagsalpak sina Jason Kidd at Nowitzki ng mag­ka­sunod na 3-pointer para ibigay sa Mavericks ang 90-77 bentahe.

Nag-ambag si Jason Terry ng 17 points para sa Dallas kasunod ang 16 ni Rodrigue Beaubois.

Tumipa naman sina Tim Duncan at Danny Green ng tig-17 points pa­ra sa Spurs, nagmula sa 114-105 panalo laban sa Oklahoma City noong Biyernes.

vuukle comment

DALLAS MAVERICKS

DANNY GREEN

DIRK NO

JASON KIDD

JASON TERRY

LAMAR ODOM

MANU GINOBILI

NOWITZKI

SAN ANTONIO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with