^

PSN Palaro

Cardinals gustong maka-2 sa Altas

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Sisikapin ng Mapua na maipagpatuloy ang pagba­ngon mula sa mababang puwesto sa pagpapa­tuloy ng 87th NCAA men’s bas­ketball ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Sariwa sa naitalang 94-90 overtime panalo sa St. Benilde sa huling laro, tiyak na mataas ang morale ng Cardinals na haharapin ngayon ang host University of Perpetual Help System Dalta sa alas-4 ng hapon na labanan.

Unang tagisan ganap na alas-11:45 ng tanghali ay sa pagitan ng Arella­no University at Emilio Aguinaldo College at ang magwawagi rito ay makukuha ang ikaapat na panalo matapos ang 11 laro.

Kasalukuyang magka­salo ang Chiefs at Gene­rals bukod pa sa Jose Ri­zal University sa 3-7 kar­ta kaya’t mahalaga ang makukuhang panalo para sa paghahabol nila ng po­sis­yon sa Final Four.

“Nasa aming mga kamay ang chance namin para sa Final Four. Depen­de sa ipakikita namin pero nananalig akong ibang lebel na ang ipakikitang laro ng mga bata,” wika ni coach Chito Victolero.

Tinalo ng Cardinals ang Altas ng dalawang puntos lamang sa first round, 65-63, at hindi malayong magiging mahigpitan din ang tagisan lalo nga’t nanalo rin ang host school sa kanilang huling asignatura laban din sa Blazers, 63-57.

Sa 2-9 karta ay kaya pang humabol ang Altas para sa puwesto sa su­su­nod na round pero mas pinagtutuunan muna ni coach Jimwell Gican ang ma-develope ang fighting spirit ng team.

“Kahit sino kalaban, ka­hit sino ang nandiyan, laruin natin. Kahit PBA pa ang kalaban. Ang talagang ipinipilit ko sa kanila ay magpakita ng puso,” wika ni Gican.

Sina Allan Mangahas, Youseh Taha at Fil-Am Josan Nimes ang mga ka­kamada sa Cardinals la­ban kina Jet Vidal, Justine Alano at Anthony Paulino ng Altas.

Sasandalan naman ng Generals ang kinuhang 84-77 panalo sa first round laban sa Chiefs para wakasan din ng tropa ni coach Gerry Esplana ang tatlong sunod na ka­biguan. 

vuukle comment

ALTAS

ANTHONY PAULINO

CHITO VICTOLERO

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

FIL-AM JOSAN NIMES

FINAL FOUR

GERRY ESPLANA

JET VIDAL

JIMWELL GICAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with