WSL PH Pro sa Siargao tagumpay — Gregorio
MANILA, Philippines — Para kay Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Patrick “Pato” Gregorio, malaking tulong ang pagdaraos ng World Surf League (WSL) Championship Tour sa Cloud 9, Siargao para sa Philippine sports.
Naging pintuan ito upang makilala ang husay at galing ng mga Pinoy surfers na kayang makipagsabayan sa mga world-class surfers.
“If you talk about the NBA, this is like the NBA Finals. If you talk about Formula One, this is like Formula One. This is the French Open of surfing,” ani Gregorio.
Ang Philippines Pro na itinaguyod ng PSC ang ika-11 leg ng Championship Tour kung saan dumating ang mga world’s best surfers sa Siargao.
Sinabi pa ni Gregorio na mas lalo pang nakilala ang Siargao na isa sa may pinakamagagandang beaches sa mundo.
Nakilala rin ang mga Pinoy surfers kabilang na ang 15-anyos na si Mara Lopez ng La Union na nabigyan ng wildcard entry sa torneo.
Malaking tulong din para sa mga surfers ang $13,000 prize money para sa mga surfers lalo na sa mga Pinoy bets.
“These are world-class surfers who have never been given a chance to perform on the world stage,” ani Gregorio.
Nagpasalamat si Gregorio sa tulong ng gobyerno gayundin ng Surigao del Norte officials, local government units at WSL executives para sa matagumpay na pagdaraos ng WSL event sa Siargao.
Partikular itong nagpasalamat kay WSL Chief Executive Officer Andrew Stark dahil sa tiwalang ibinigay nito sa Pilipinas na maging host ng torneo.
“Hosting is an enabler. It is an enabler to do bigger things for the country. It is an enabler for the youth to pick up the sport,” ani Gregorio.
- Latest






















