^

PSN Palaro

4th gold kinuha ng 'Dragon Warriors'

-

MANILA, Philippines - Sumagwan ng kanilang pang apat na gintong me­dal­ya ang Philippine Dra­gon Boat Federation team sa International Dragon Boat Federation World Championships sa Tampa Bay, Flo­rida.

Naghari ang 'Dragon Warriors' sa 500-meters mixed event sa small boat division kung saan nila tinalo ang mga koponan ng Hungary at Trinidad and Tobago.

Sa heat 1 pa lamang ay nagdomina na ang ‘Dragon Warriors’ sa kanilang itina­lang bilis na 2:28.

Naghamon naman sa heat 2 ang mga Hunga­rians ngunit nanatili pa rin sa unahan ang mga Filipino paddlers.

Sa third at final heat ay tuluyan nang inangkin ng ‘Dragon Warriors’ ang kanilang ikaapat na gold medal sa torneo.

Bukod sa apat na golds, dalawang silver medals rin ang nakuha ng tropa at hangad ang kanilang pang limang ginto sa final event.

Nauna nang kinopo ng ‘Dragon Warriors’ ang mga gold medals sa premiere 1,000m, men’s 200m at mixed 200m divisions.

Nagtungo ang tropa sa Tampa, Florida na walang suportang nakuha mula sa Philippine Sports Commission (PSC).

Samantala, naging ma­init naman ang suporta ng mga Pinoy sa ‘Dragon Warriors’ sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain.

vuukle comment

BOAT FEDERATION

BUKOD

DRA

DRAGON

DRAGON BOAT FEDERATION WORLD CHAMPIONSHIPS

DRAGON WARRIORS

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

SHY

TAMPA BAY

TRINIDAD AND TOBAGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with