Ginebra nilasing SMB; amoy na ang semis
MANILA, Philippines — Sa quarterfinals series kahapon sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila.
Humakot si import Jordan Murphy ng 33 points, 10 rebounds at siyam na assists para banderahan ang tropa ni head coach Tim Cone.
“We’re definitely on a roll. Our offense is clicking and guys are locked in defensively. We’re just trying to keep the pressure on San Miguel,” ani Cone.
Nagdagdag si RJ Abarrientos ng 22 points at may 19 at 12 markers sina Stephen Holt at Scottie Thompson, ayon sa pagkakasunod.
Itinagay ng Gin Kings ang 2-0 lead sa kanilang best-of-five showdown ng Beermen na tinalo nila sa Game One, 104-95.
Maaari nang walisin ng Ginebra ang San Miguel sa Game Three sa Martes sa Dasmariñas Arena sa Cavite papasok sa series.
Ang mananalo sa serye ng nagdedepensang TNT Tropang 5G at Magnolia Hotshots ang makakatapat ng Gin Kings sa best-of-five semis.
Hawak ng Tropang 5G ang 2-0 lead sa Hotshots.
Ang three-point shot ni Isaac Go ang nagbigay sa Gin Kings ng isang 14-point lead, 34-20, bago nakadikit ang Beermen sa 42-43 sa pagbibida ni Jerrick Ahanmisi sa 8:11 minuto ng second quarter.
Isinara ng Ginebra ang first half hawak ang 69-62 bentahe kung saan umiskor si Ahanmisi ng 17 points para sa San Miguel sa second period.
Nagsalpak din ang tropa ni Cone ng 11 triples sa first half.
Muling nakalayo ang Gin Kings sa 92-77 galing sa dalawang free throws ni Go sa 5:04 minuto ng third quarter.
Tuluyan nang nabaon ang Beermen sa 89-110 matapos ang slam dunk ni Japeth Aguilar sa 5:59 minuto ng laro.
Binanderahan ni CJ Perez ang San Miguel sa kanyang 18 points, habang may 17, 16 at tig-13 markers sina Ahanmisi, June Mar Fajardo, import George King at Don Trollano, ayon sa pagkakahilera.
Inaasahang reresbak ang Beermen sa Game 3.
- Latest






















