^

PSN Palaro

Manas minalas sa Qatar 10-Ball finals

Elech Dawa - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ibinuhos ni Pinoy cue artist Albert James “AJ” Ma­nas ang lahat ng nalalaman sa pagpapaikot ng bola pe­ro kinapos pa rin laban kay Joshua Filler ng Germany, 6-13, sa finals ng 2026 Qatar World Cup 10-Ball sa Ezdan Palace Hotel sa Doha.

Nakasabay sa simula ang 19-anyos na si Manas kay Filler sa unang anim na racks para makatabla sa 3-3.

Subalit nangibabaw ang karanasan ng 29-an­yos na si Filler at nakuha ang sumunod na pitong racks upang umabante sa 10-3.

Matapos magpakitang-gilas sa mga nakaraang round sa pamamagitan ng mga comeback wins laban kina Hsieh Chia Chen at Da­niel Maciol, natapyas ni Manas sa apat ang lamang ng German cue master.

Ang isang dry break sa sumunod na rack ang nag­pahinto sa ratsada ni Ma­nas, kaya mabilis itong si­namantala ni Filler upang mag­pakawala ng tatlong su­nod na panalo at ma­sung­kit ang korona.

Inuwi ni Filler ang prem­yong $100,000 (P6.3 mil­y­on), habang kumubra si Ma­nas ng $40,000 (P2.3 milyon).

Ito ang kauna-unahang major solo final ni Manas at ang pinakamalaking prem­yo na kanyang nakuha ma­tapos mag-uwi ng $36,000 no­ong nakaraang taon.

MANAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with