Third leg ng PBaRS dadalhin sa Davao
MANILA, Philippines - Ang Davao ang mamamahala sa third leg ng MVP Sports Foundation-Bingo Bonanza Philippine Badminton Ranking System (PBaRS) tournament sa Hulyo 30 hanggang Agosto 3 sa Wheels and More badminton courts.
Ang mga nanalo sa unang dalawang legs ay makakatapat ang mga local talents sa nasabing five-day tournament.
Ang deadline para sa pagpaparehistro ay sa Hulyo 16 sa PBaRS office (20. E. Maclang St. San Juan). Maaari ring bumisita sa http://www.pbars.com.
Ang serye ng nationwide tournaments ng PBaRS ay proyekto nina Vice President at Philippine Badminton Association president Jejomar Binay, Rep. Albee Benitez at businessman-sportsman Manny Pangilinan.
Ang mga events ay ang Open, Under-19 at Under-15 divisions.
- Latest
- Trending