Beda, Jose Rizal nakatutok sa semis
MANILA, Philippines — Pakay ng defending champion San Beda University at Jose Rizal University na tapusin ang kanilang mga katunggali sa quarterfinals upang makausad sa semifinals ng NCAA Season 102 men’s basketball tournament.
Parehong may tangan na ‘twice-to-beat’ advantage, makakaharap ng Red Lions ang University of Perpetual Help System DALTA Altas ngayong alas-3 ng hapon, habang katapat ng Heavy Bombers ang Arellano Chiefs sa alas-5 ng hapon sa FilOil EcoOil Arena sa San Juan City.
Nakakuha ng insentibo ang SBU at JRU matapos upuan ang No. 1 at No. 2 spot sa Group A tangan ang parehong 10-3 records, habang No. 3 at No. 4 sa Group B ang Arellano at Perpetual na may 6-7 at 4-9 cards, ayon sa pagkakasunod.
Muling ipaparada ng Red Lions sina Aldous Torculas, Jimmy Reyes at Andreu Ugaddan upang masikwat agad ang importanteng panalo.
“Sa ensayo, talagang tinatrabaho namin at kita naman, mas pinagbutihan din namin ‘yong defense namin,” sabi ni Ugaddan.
Para sa Altas, inaasahang sasandalan nila sina Jim Corpuz at Shawn Orgo.
- Latest

















