Green Archers sumosyo sa No. 3 spot
MANILA, Philippines — Pinana ng defending champion De La Salle University ang 84-69 panalo kontra Adamson University sa UAAP Season 89 men’s basketball tournament kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
Nakabawi ang Green Archers sa Soaring Falcons matapos silang matalo, 60-63, sa first round.
Sumosyo ang La Salle sa Far Eastern University sa No. 3 spot tangan ang parehong 7-5 karta,
Magkasalo sa tuktok ang University of the Philippines at National University na hawak ang magkatulad na 9-3 baraha papasok sa semifinals.
Namana kaagad ang Taft-based squad sa first half, 48-26, mula sa maiinit na kamay nina Jacob Cortez at Luis Pablo.
Bagama’t naging matamlay ang kanilang depensa sa third period ay nanatiling epektibo ang kanilang opensa para mapanatili ang malaking kalamangan sa fourth quarter.
Umiskor si Cortez ng 15 points at may 14 markers si Pablo.
- Latest

















