^

PSN Palaro

Lions susubukan ang tibay ng Pirates

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Masusukat ngayon ang tibay ng guest team na Ly­ceum sa pagbangga sa nagdedepensang San Beda sa pagpapatuloy ng 87th NCAA men’s basketball ngayon sa The Arena sa San Juan.

Bumabandera ang Pirates kasama ang Letran at San Sebastian pero ang Lions ang unang mabi­gat na koponan na kani­lang haharapin sa laro na itinakda ganap na ika-4 ng hapon.

“Nasuwertehan namin na maganda ang sche­dule ng mga laro namin. Morale booster ang mga nakuhang panalo at alam kong lalaban ang mga pla­yers para ipakita ang kanilang kakayahan,” wika ni Pirates coach Bonnie Tan na humugot ng panalo sa St. Benilde, 75-63, at host University of Perpe­tual Help System Dalta (UPHSD),93-87.

Ang Lions naman ay pa­pasok sa laro mula sa do­minanteng 82-52 pana­naig sa Altas sa pagbubukas ng liga nitong Hulyo 2.

Ito ang pang-19 sunod na panalo ng tropa ni coach Frankie Lim matapos ang 18-0 sweep tungo sa kam­peonato noong nakaraang taon.

Alam ni Lim na angat ang kanyang koponan kung karanasan ang pag-uusapan pero hindi ito garantiya na mananalo sila sa Pirates.

 Mauuna namang magtangka sa kanilang ikatlong sunod na panalo ang San Sebastian Stags sa pag­harap sa Altas sa unang laro ganap na ika 11:45 ng tanghali.

Patok ang bataan ni coach Topex Robinson ma­tapos kunin ang 73-67 at 86-78 tagumpay sa mga koponan ng Jose Rizal University at St. Benilde ayon sa pagkakasunod.

ALTAS

ANG LIONS

BONNIE TAN

FRANKIE LIM

HELP SYSTEM DALTA

JOSE RIZAL UNIVERSITY

SAN BEDA

SAN JUAN

SHY

ST. BENILDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with