^

PSN Palaro

Douthit pinayagan na ngFIBA na lumaro

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Isang magandang balita para sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP).

Maaari nang maglaro si naturalized player Marcus Douthit sa Smart-Gilas Pilipinas ng SBP matapos payagan ng International Basketball Federation (FI­BA).

Nangangahulugan na puwede nang sumabak ang 2004 NBA draftee ng Los Angeles Lakers sa mga FIBA tournaments, kasama na rito ang kasalukuyang 9th Southeast Asian Basketball Associa­tion (SEABA) Men’s Championship sa Jakarta, Indonesia.

“I’m glad to hear that. Now, I can really focus on helping the team without distractions,” wika ng 6-foot-11 at 31-anyos na si Douthit.

Ang sulat ay nangga­ling kay FIBA Sport and Eligibility Committee chief Ivanka Toteva, ayon kay SBP executive director Re­nauld ‘Sonny’ Barrios.

Sa kanyang liham sa SBP, kinumpirma ni Toteva ang pagiging eligible ni Douthit na maglaro para sa Smart-Gilas.

Ang tubong Syracuse, New York na si Douthit ay hinugot ni Serbian coach Rajko Toroman para maka­tulong sa kampanya ng Na­tionals sa 2012 London Olympics sa pamamagitan ng pagwawagi sa dara­ting na FIBA-Asia Men’s Champion­ship sa Wuhan, China sa Setyembre.

ASIA MEN

DOUTHIT

INTERNATIONAL BASKETBALL FEDERATION

IVANKA TOTEVA

LONDON OLYMPICS

LOS ANGELES LAKERS

MARCUS DOUTHIT

NEW YORK

RAJKO TOROMAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with