^

PSN Palaro

Altas kinapos sa Knights

Elech Dawa - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bibitbitin ng Letran ang momentum sa susunod na phase matapos nilang sikwatin ang pahirapang 85-83 panalo kontra University of Perpetual Help System DALTA sa NCAA Season 102 men’s basketball tournament na nilarga sa FilOil sa San Juan kahapon.

Muling binuhat ni Jimboy Estrada ang Knights para tapusin ang prelimina­ries na may 9-4 na kartada bilang top seed sa Group B sa team standings.

“Nasaktan talaga kami sa last game namin sa EAC, nagprepare kami para dito sa Perpetual,” sabi ni Estrada na nagtala ng 19 points, apat na assists at tatlong rebounds. “Sabi ko at namin sa coaches na babawi kami. Hindi puwedeng hindi kami bumawi.”

Naungusan ang Knights ng Altas ng isang puntos, 82-83 may 6.9 segundo na lang sa orasan.

Napunta ang bola kay Estrada at ipinukol sa three-point area, pasok ang bola para sa dalawang puntos na lamang may 2.2 segundo na lang ang natitirang oras sa payoff period.

Hindi nagawang ma-inbound nang maayos ng Altas ang bola dahilan upang tapusin nila ang kanilang kampanya sa eliminations bilang pang-apat na seed sa Group B na may 4-9 na kartada.

Samantala, kinahon ng defending champion ang twice-to-beat advantage sa quarterfinals matapos nilang kalusin ang College of Saint Benilde, 82-69.

Nagtala si Andrei Ugaddan ng 18 points at limang rebounds para sa Red Lions na nilista ang 10-3 karta upang saluhan sa tuktok ng Group A sa team standings ang Jose Rizal University.

LETRAN

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with