I-shoot mo pa!
Burahin na nga ‘yang unwritten rule sa basketball na ‘yan.
Itigil na ‘yang gentleman’s agreement na kapag selyado na ang panalo, wala nang iiskor sa winning team.
Palagi pinag-aawayan eh.
Maging sa PBA, UAAP, NCAA, MPBL, inter-barangay or inter-tsinelas, sanhi ng gulo.
Latest case ang Ateneo vs UP sa UAAP ‘nung Sabado.
Lamang ng anim ang UP at paubos na ang oras eh nag-dunk pa ni Jacob Bayla ng UP sa harap ng Ateneo bench.
Kabastusan DAW.
Nagngitngit si Ateneo coach Louie Alas. At sa traditional shaking of hands, nagkagirian pa. Dahil dito, suspended si coach.
Madalas nasusunod ang unwritten rule. Pero minsan, dehins.
Sabi ni Bayla, pang-diin ang dunk niya sa isang mahigpit na laban.
Sabi ng iba, pondo ang two or three points in case umabot sa quotient system. May punto rito.
Pero para walang gulo, itigil na ‘yan.
Kahit lamang kayo ng 50 points, i-dunk mo pa rin sa buzzer.
- Latest

















