^

PSN Palaro

Krusyal na panalo target ng UST

Elech Dawa - Pilipino Star Ngayon
Krusyal na panalo target ng UST
UAAP
STAR / File

MANILA, Philippines —Kumikipot ang dinaraanan ng University of Sto. Tomas sa asam na makapasok sa top four sa UAAP Season 89 collegiate men’s basketball tournament.

Kaya naman inaasahang itotodo ng Growling Tigers ang kanilang lakas sa pagharap nila sa University of the East Red Warriors ngayong alas-2:30 ng hapon na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum.

Nakatambay sa pang limang puwesto sa team standings ang UST, kasama ang Ateneo De Manila University Blue Eagles tangan ang tig-5-6 karta, magkasalo naman sa No. 3 ang defending champion   La Salle Green Archers at Far Eastern University Tamaraws na parehong hawak ang 6-5 karta.

Pero paniguradong mapapalaban ng todo ang Growling Tigers sa inspiradong Red Warriors.

Matapos wakasan ng UE ang kanilang 30-game losing streak, target naman ngayon ng Red Warriors na makakuha ng back-to-back na panalo sa unang pagkakataon sa loob ng dalawang taon.

Kasabay nito, nais din nilang harangan ang bentahe ng Growling Tigers na makatuntong sa kanilang ikatlong sunod na Final Four appearance.

Samantala, maghaharap ang Adamson University at Ateneo sa alas-5 ng hapon.

GROWLING TIGERS

UAAP

UST

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with