Eala enjoy sa Hong Kong

MANILA, Philippines — Panahon naman para mag-enjoy si Alex Eala matapos ang matagumpay na kampanya nito sa Hong Kong Open kung saan nasungkit nito ang runner-up trophy.
Ilang netizens ang nagpost na nasilayan si Eala na namamasyal sa Hong Kong bilang bahagi ng pagpapahinga nito.
Enjoy si Eala sa malamig na weather ng Hong Kong kasama ang kanyang pamilya.
Nauna nang inihayag ni Eala na nais nitong magbakasyon kasama ang kanyang pamilya at pansamantalang lumayo muna sa spotlight.
Matapos ang bakasyon, paghahandaan naman ni Eala ang susunod na season kung saan kumpirmado na itong lalahok sa dalawang malalaking events.
Kabilang sa mga kinumpirma ni Eala ang pagbabalik nito sa ASB Classic sa Auckland, New Zealand na magsisilbing bahagi ng paghahanda nito para naman sa 2027 Australian Open na idaraos sa Melbourne, Australia.
Bago ang malalaking torneo, sasalang muna si Eala sa exhibition match nito kontra kay Janice Tjen ng Indonesia na gaganapin sa Philippine Arena sa Disyembre 8.
Masaya si Eala sa resulta ng kanyang season sa taong ito.
Matagumpay si Eala na mula sa No. 50 sa pagsisimula ng season, tatapusin nito ang taon tangan ang career-high na No. 15 sa WTA rankings.
- Latest

















