^

PSN Palaro

Jinkee niregaluhan ni Pacquiao ng mansion

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Isang mansyon sa For­bes Park sa Makati City na nagkakahalaga ng P388 milyon ang binili ni Filipino boxing superstar Manny Pacquiao bilang regalo sa kanyang asawang si Jin­kee.

Sinabi ng Filipino world eight-division champion na matagal nang pinapanga­rap ni Jinkee ang naturang mansyon na matatagpuan sa Cambridge Street, North Forbes, Makati City.

Tanging ang Sarangani Congressman at si Jinkee at ilan nilang malalapit na kaibigan at kamag-anak ang papayagang makapa­sok sa naturang three-storey private mansion.

Wala pang furniture at appliances na nabibili si Pacquiao para sa nasabing mansyon at plano nilang magtakda ng house bles­sing sa Agosto.

Ang naturang 1,500 square-meter mansion ay may sariling tennis court at dating tahanan ni Roque Tordesillas, ang Senior Vice President ng insu­rance brokerage firm Marsh Philip­pines.

Ang premyo ng 32-an­yos na si Pacquiao sa laban nila ni Sugar Shane Mosley ang siyang ibabayad sa naturang mansyon.

Si Pacquiao ang kasalukuyang No. 24 sa listahan ng highest paid athletes sa buong mundo noong na­karaang taon, ayon sa listahan ng Forbes.com at katabla si Brazilian football star Kaka.

Ang ‘pound-for-pound king’ ay kumita ng $25 milyon mula noong Mayo 1, 2010 hanggang Mayo 1, 2011 kung saan karamihan rito ay mula sa kanyang prize purse sa laban kay Mexican Antonio Margarito noong Nobyembre ng 2010.

Ang endorsement deal ni Pacquiao sa Hewlett-Packard ay nagkakahalaga ng $1 milyon bawat taon. Kamakailan ay naglabas ang HP ng unang commercial ni ‘Pacman’ na isang video na nagpo-promote sa HP Veer 4G.

Si golfer Tiger Woods ay kumita ng $75 milyon noong nakaraang taon mu­la sa kanyang mga deals sa Nike at Electronic Arts kasunod si basketball star Kobe Bryant ($53M) at LeBron James ($48M).

vuukle comment

CAMBRIDGE STREET

ELECTRONIC ARTS

JINKEE

KOBE BRYANT

MAKATI CITY

MARSH PHILIP

MEXICAN ANTONIO MARGARITO

PACQUIAO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with