^

PSN Palaro

Patrombon huling alas ng Pinas sa Mitsubishi netfest

-

MANILA, Philippines - Sa suporta ng mga ma­­nonood huhugot ng lakas si Jeson Patrombon para maisakatuparan ang hanga­ring maging kauna-unahang boys champion ng bansa sa 22nd Mitsubishi Lancer International Tennis Championships na nilalaro sa Rizal Memorial Tennis Center.

Si Patrombon na lamang ang pag-asa sa kompetisyon ng host country matapos malagas ang mga unang lahok ng bansa sa kanilang laro sa first round sa boys at girls division.

Si Jurence Zosimo Men­doza ay namahinga kay Jao Chi-Shan ng Chinese Taipei, 6-3, 7-6(6); si Calvin Charles Canlas ay lumasap ng 6-0, 6-0, pagkatalo kay Juan Pablo Murra ng Me­xico; at si Kyle Benjamine Par­pan ay tumanggap ng 6-2, 6-1, pagyukod kay Moritani Soichiro ng Japan sa kalalakihan.

Nalagas na rin ang ilang manlalaro sa kababaihan tulad ni Tamitha Nguyen na may 6-2, 6-1, kabiguan kay Susanne Celik ng Sweden; si Anna Charice Patrimonio ay may 6-2, 6-2, pagkatalo kay Nadia Ravita ng Indonesia; si Marines Rudas ay yumukod kay Elke Lemmens ng Belguim, 6-0,7-5; si Anne Rene Castillo ay lumasap ng 6-0, 6-0, shutout pagkatalo kay Kimberley Ann Surin ng Canada; si Marian Jade Capadocia ay tumanggap ng 6-4, 6-3, pagkatalo kay Patricia Maria Tig ng Romania at si Maika Jae Tanpoco ay kinapos laban kay Klaartje Liebens ng Belguim, 6-4,4-6, 6-4.

ANNA CHARICE PATRIMONIO

ANNE RENE CASTILLO

BELGUIM

CALVIN CHARLES CANLAS

CHINESE TAIPEI

ELKE LEMMENS

JAO CHI-SHAN

JESON PATROMBON

JUAN PABLO MURRA

KAY

KIMBERLEY ANN SURIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with