^

PSN Palaro

Cone kabado sa Ginebra, solong liderato nakataya

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines –  Sa ipinosteng 32 points, 11 rebounds, 8 assists at 2 steals ni import Nate Brumfield laban sa Meralco noong nakaraang Sabado, hindi nakakapagtakang kabahan si Alaska coach Tim Cone sa Barangay Gi­nebra.

 “The Kings looked very sharp in their first game and the import seemed a good fit. We’ll have to find some answers for Grumfield and his all-around game,” ani Cone. “It should be a good match-up.”

Kapwa hangad ang ka­nilang 2-0 rekord, magsa­sagupa ang Gin Kings at ang Aces ngayong alas-6:30 ng gabi matapos ang salpukan ng Rain or Shine Elasto Painters at Meralco Bolts sa alas-4 ng hapon sa 2011 PBA Commissioner’s Cup sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Nanggaling ang Gin Kings sa 115-98 paggupo sa Bolts noong Pebrero 18 sa pagbubukas ng torneo sa Laoag City.

Nakahugot naman ang Aces ng 21 points-- tampok rito ang tatlong slam dunks, 8 rebounds, 3 steals at 2 assists kay import L.D. Williams sa 106-82 paggiba sa Powerade Tigers noong nakaraang Miyerkules.

Ayon kay mentor Jong Uichico, lahat ng panalo ay kailangan nilang makuha sa isang maikling elimination round.

Bukod kay Brumfield, muling ibabandera ng Ginebra sina Mark Caguioa, Ro­nald Tubid, Willie Miller, Eric Menk at Willy Wilson katapat sina Williams, LA Tenorio, Sonny Thoss, Cyrus Baguio at Joe Devance ng Alaska.

Ang Aces, sa likod ni 6-foot-6 import Diamon Simpson, ang nagkampeon sa nakaraang PBA Fiesta Conference.

Sa unang laro, itatampok naman ang pagharap ni Sol Mercado sa kanyang dating koponan.

Matatandaang ipinasok ng Rain or Shine si Mercado sa trading block kasama si 6’7 Jay-R Reyes patungo sa Meralco at Air21, ayon sa pagkakasunod.

Nagmula ang Elasto Painters, gagabayan ni dating Express’ coach Yeng Guiao, sa isang 95-94 pagtakas sa derby Ace Llamados noong nakaraang Miyerkules sa likod ni import Hassan Adams, naglaro sa NBA para sa Toronto Raptors at New Jersey Nets.

vuukle comment

ACE LLAMADOS

ANG ACES

BARANGAY GI

CUNETA ASTRODOME

CYRUS BAGUIO

DIAMON SIMPSON

ELASTO PAINTERS

ERIC MENK

FIESTA CONFERENCE

GIN KINGS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with