^

PSN Palaro

Anthony binigyan ng mainit na panalo ang New York Knicks

-

NEW YORK AP - Ito ang unang pagkakataon na na­karanas si Carmelo Anthony ng ganitong pagtang­gap sa New York.

“It came down to basketball at that point,” sabi ni Anthony, nakatanggap ng palakpakan mula sa Knicks fans at video tribute bago humakot ng 27 points at 10 rebounds sa 114-108 panalo ng New York sa Mil­waukee Bucks.

“This was ordinary for him, and that’s the hig­hest compliment of what he does. You drop him in any place, any playground, any place in the world and he’ll put up 27 points and 10 rebounds,” sabi ni Knicks coach Mike D’Antoni. “That’s what he does for a living.”

Tumipa si Anthony ng 10-of-25 fieldgoals para tulungan ang Knicks matapos ma-fould out si superstar Amare Stoudemire.

Ang 27 points ni Antho­ny ang dumuplika sa third-highest scoring game sa isang Knicks debut sapul noong 1964 at 2 points lamang ang agwat sa 29 points ni Keith Van Horn noong Oktubre 29, 2003.

Nagdagdag naman si Chauncey Billups, naka­sama ni Anthony mula sa Denver sa isang blockbuster trade, ng 21 points at 8 assists para sa Knicks na nasa isang three-game winning streak ngayon.

Sa Dallas, umiskor si Dirk Nowitzki ng 23 puntos upang imando ang Ma­vericks sa 118-99 panalo laban sa Utah, ilang oras matapos na i-trade ng Jazz ang kanilang leading scorer na si Deron Williams sa New Jersey Nets.

Sa iba pang laro, nanalo ang San Antonio sa Oklahoma Thunder, 109-105.

AMARE STOUDEMIRE

CARMELO ANTHONY

CHAUNCEY BILLUPS

DERON WILLIAMS

DIRK NOWITZKI

KEITH VAN HORN

MIKE D

NEW JERSEY NETS

NEW YORK

OKLAHOMA THUNDER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with