^

PSN Palaro

Azkals sinimulan na ang pagsasanay sa Benguet

- Ni Andy Zapata -

LA TRINIDAD, Benguet, Philippines - Sinimulan na ng Philippine Azkals ang kanilang high-altitude training dito sa ilalim ni German coach Hans Michael Weiss na nagustuhan na ang Benguet weather.

Sinabi ni Weiss na gusto niyang ma­sanay ang mga Azkals sa malamig na kli­ma na kanilang mararanasan sa kanilang pagtungo sa Mongolia sa ikalawang laro sa AFC Challenge Cup match-up sa Ulan Bator sa Marso 16.

“We are really looking for cool temperature. This is good weather,” wika ni Weis sa Azkals na tumalo sa Mongolians, 2-0, sa first leg ng kanilang serye noong Pebrero 9 sa Panaad Stadium sa Bacolod.

Nagsanay ang Team Azkals sa lamig na 12.4 degrees.

Pitong araw na magsasanay ang Az­kals sa Benguet State University pitch, pinili nila kesa sa football grounds sa Philippine Military Academy at Brent School International.

Bagamat malayo sa international standard, sinabi ni Weiss na sapat na ang BSU ground para sa training area ng Azkals.

Lalabanan ng national booters ang isang selection team mula sa BSU Soccer Club at kumpiyansa si adviser Frael Aquino na ang pagsasanay ng Azkals rito ay gagawa ng “ripple effect for football in the Cordilleras.”

Ang mga football games ay nilalaro na sa Melvin Jones football field sa Burnham Park.

AZKALS

BENGUET STATE UNIVERSITY

BRENT SCHOOL INTERNATIONAL

BURNHAM PARK

CHALLENGE CUP

FRAEL AQUINO

HANS MICHAEL WEISS

MELVIN JONES

PANAAD STADIUM

PHILIPPINE AZKALS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with