^

PSN Palaro

Canino thankful sa Asiad spot

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Canino thankful sa Asiad spot
Angel Canino
UAAP

MANILA, Philippines —  Malaki ang pasasalamat ni Angel Canino ng De La Salle University na ma­pasama sa national pool na isasabak sa Asian Games sa Setyembre sa Na­goya, Japan.

Isa si Canino sa 22 pla­yers na pinangalanan ng Philippine Olympic Committee (POC) para maging bahagi ng Alas Pilipinas pool sa Asian Games.

“I’m super grateful. So­brang blessed ako na pag­labas ng lineup I was part of it,” ani Canino.

Umaasa si Canino na ma­giging maayos na ang lagay ng Philippine volleyball sa bansa kung saan na­nawagan ito ng pagka­ka­isa upang mas lalo pang umunlad ang programa para sa sport.

Hindi ito ang unang pag­kakataon na masisila­yan si Canino suot ang na­tional team jersey dahil nag­laro na rin ito sa mga na­kalipas na torneo partikular na sa 2025 Southeast Asian Games sa Bangkok, Thailand.

Makakasama ni Canino sa Asian Games sina Jia De Guzman, Justine Yliy­zeth Jazareno, Jennifer Nier­va, Dawn Nicole Catin­dig, Mhicaela Belen at Eya Laure.

Pasok din sa lineup sina Thea Gagate, Fifi Sharma, Vanessa Gandler, Alleiah Jan Malaluan, Amie Provido, Nina Ytang, Janette Pa­naga, Erika Santos at Arah Panique.

Nasa listahan din sina Marionne Angelique Alba, Maria Angelica Cayuna, Shaira Jardio, Dell Paloma­ta, Shaina Marie Nitura at Alyssa Jae Solomon.

Gagabayan ang tropa ni Japanese coach Taka Minowa, asawa ni Jaja San­tiago at naging coach ng Nxled.

ANGEL CANINO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with