^

PSN Palaro

Capital1 preparado na sa PVL On Tour

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inaasahang gagamitin ng Capital1 Solar E­nergy ang kanilang naging eksperyensya sa pagsagupa sa Dominican Republic para sa parating na 2026 Premier Volleyball League (PVL) On Tour.

Sa nasabing tune-up game ipinarada ng Solar Spikers sina star hitter Bella Belen kasama ang mga bagong hugot na sina Vanie Gandler at Erika Santos pati si rookie libero Detdet Pepito.

Ang laro laban sa mga Dominican spikers ay ina­yos ni Capital1 Brazilian coach Jorge Souza de Brito na kaibigan ng head coach ng Dominican Republic team.

Sasalang ang Solar Spikers sa PVL on Tour sa Hulyo 25 katapat ang Nxled Chameleons nina Fil-Ams Brooke Van Sickle at MJ Phillips at Myla Pablo sa Vigan City, Ilocos Sur.

Sunod na makakatapat ng Capital1 ang Creamline sa Agosto 8 sa Santiago City, Isabela at ang Farm Fresh sa Agosto 22 sa ihahayag na venue.

Hindi pa nakakapasok ang Solar Spikers sa PVL semifinal round matapos ang quarterfinal finish sa nakaraang Reinforced Conference at All-Filipino Conference.

Ang pagdating nina Gandler at Santos ang inaasahang makakatulong sa hangarin ng Capital1 na makarating sa PVL Finals sa kauna-unahang pagkakataon.

Samantala, ang Akari at ZUS Coffee ang magbubukas sa 2026 PVL On Tour sa Hulyo 8 sa Ilagan City, Isabela.

Magtutuos ang Chargers, ipaparada ang bagong hugot na si Risa Sato, at Thunderbelles sa alas-4 ng hapon kasunod ang laro ng Cool Smashers at Chameleons sa alas-6:30 ng gabi.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with