^

PSN Palaro

TNT, SMBeer pupuwesto na

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Isang panalo lamang ang kailangan ng Tropang Texters at Beermen para masikwat ang dalawa sa apat na semifinals ticket.

Bitbit ang kanilang mga ‘twice-to-beat’ incentives, sasagupain ng No. 1 Talk ‘N Text ang No. 8 Rain or Shine ngayong alas-4 ng hapon at lalabanan ng No. 2 San Miguel ang No. 7 Air21 sa alas-6:30 ng gabi sa quarterfinal round ng 2010-2011 PBA Philippine Cup sa Araneta Co­liseum.

Parehong nagtapos ang Tropang Texters ni Chot Reyes at Beermen ni Ato Agustin na may 11-3 rekord sa elimination round.

Ngunit dahil sa mas ma­taas na quotient kum­para sa San Miguel, naagaw ng Talk ‘N Text ang No. 1 spot sa quarterfinals.

Hangad ng Tropang Te­xters ang kanilang ikalawang sunod na semis appearance laban sa Elasto Painters, samantalang tar­get ng Beermen ang ka­nilang pang limang dikit na semis stint kontra Express.

Ang mananalo sa pa­gitan ng Talk ‘N Text at Rain or Shine ang siyang haharap sa mananaig naman sa No. 4 at nagdedepensang Derby Ace at No. 5 Meralco sa best-of-seven semis series.

Haharapin naman ng San Miguel ang mananaig sa serye ng No. 3 Barangay Ginebra at No. 6 Alaska.

Tinalo ng Llamados ang Bolts via double overtime, 106-97, habang binigo na­man ng Aces ang Gin Kings, 104-101, sa Game One ng kani-kanilang best-of-three quarterfinals showdown.

May 1-1 rekord ang Tro­pang Texters at Elasto Painters sa kanilang dalawang beses na pagtatagpo sa eliminasyon.

Nanalo ang Rain or Shi­ne, 95-93, sa kanilang unang paghaharap noong Oktubre 20 mula sa isang top-of-the-key jumpshot ni Sol Mercado laban kay Talk ‘N Text guard Jason Castro sa huling 1.5 segundo.

Sa kanilang rematch sa Digos City noong Dis­yembre 4, bumangon ang Tropang Texters buhat sa 75-81 pagkakaiwan sa hu­ling 3:35 ng laro patungo sa kanilang 86-81 tagumpay sa Elasto Painters.

Kasalukuyang nasa isang five-game winning streak ang PLDT franchise kumpara sa four-game lo­sing slump ng Rain or Shine.

“We have a lot of trouble with a lot of teams in there, traditionally. Kaya di na namin iniisip kung sino ang makakalaban namin,” ani Reyes matapos ang 103-89 paggupo ng Tropang Texters sa Express noong Disyembre 12. “So whoever our quarterfinals opponent will be is something not in our control.” 

ARANETA CO

ATO AGUSTIN

BARANGAY GINEBRA

BEERMEN

CHOT REYES

ELASTO PAINTERS

N TEXT

SAN MIGUEL

SHY

TROPANG TEXTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with