^

PSN Palaro

Kings itatagay ang 7 dikit na panalo vs sister team

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines –  Ang bagong pinakama­init na koponan laban sa dating umarangkadang tro­pa.

Sasagupain ng mainit na Barangay Ginebra ang San Miguel ngayong alas-6:30 ng gabi sa elimination round ng 2010-2011 PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum.

Magtatagpo naman sa unang laro sa alas-4 ng hapon ang Alaska at Ba­rako Bull.

Ang Gin Kings ang pina­kamainit na koponan nga­yon mula sa sinasakyang six-game winning streak, habang nasa isang two-game winning run naman ang Beermen matapos matalo sa Elasto Painters, 107-110, noong Nobyembre 7.

Ang naturang kabiguan sa Rain or Shine ang siyang pumigil sa ikinasang five-game winning roll ng San Miguel.

Nanggaling naman ang Ginebra sa 90-78 paggupo sa Barako Bull noong nakaraang Miyerkules na ti­nampukan ng hinugot ni Mark Caguioa na 14 sa kanyang 17 points sa final canto.

“I think we have enough scorers. The question is can we make stops,” ani coach Jong Uichico sa kanyang Gin Kings. “If you’re a scorer its hard to have a defensive mindset but we always have to tell and remind our players we cant rely on offense alone.

Tangan ng San Miguel ang 8-2 baraha kasunod ang Ginebra (6-2), Talk ‘N Text (6-3), nagdedepensang Derby Ace (5-5), Rain or Shine (4-5), Meralco (4-5), Alaska (4-5), Air21 (4-6), Powerade (3-7) at Barako Bull (2-7).

Matapos ang natu­rang pagyukod sa Elasto Painters, dalawang sunod na panalo ang kinuha ng Beermen laban sa Energy Boos­ters, 94-81 at Tropang Texters, 93-88.

Sina Caguioa, Willie Miller, Jayjay Helterbrand, Ronald Tubid, Eric Menk at Rico Villanueva ang itatapat ng Ginebra kontra kina Danny Seigle, Jay Washington, Dondon Hontiveros, Danny Ildefonso at Alex Cabagnot ng San Miguel.

Sa unang laro, mag­p­i­pilit namang makabangon sa kani-kanilang kamalasan ang Alaska at Barako Bull.

vuukle comment

ALEX CABAGNOT

ANG GIN KINGS

ARANETA COLISEUM

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

BEERMEN

ELASTO PAINTERS

GINEBRA

SAN MIGUEL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with