^

PSN Palaro

Pacman nasa kondisyon at hustong timbang na

- Ni AC -

DALLAS--Nasa hustong kondisyon at timbang na si Manny Pacquiao para sa kanilang official weigh-in ngayong araw.

Si Antonio Margarito naman ay may prob­lema sa pagkuha ng timbang, ayon kay Alex Ariza, ang strength and conditio­ning coach ni Pacquiao.

Ito, ayon pa kay Ariza, ay magandang balita para kay Pacquiao.

“He looked terrible to me. He looked like he left everything in the ring,” sabi ni Ariza kay Margarito, palagiang nakasuot ng sweatsuit sa kanyang mga ensayo.

Sinabi ni Ariza na lubhang nahihirapan ang 5-foot-11 Mexican na makuha ang catchweight na 150 lbs.

“If you are close to the weight and you’re not having problems in camp, you don’t go running at eight o’clock at night,” sabi ni Ariza.

Samantala, panahon na para mag-fo­cus at lumaban sa loob ng ring.

“They apologized and I accepted their apology,” sabi ni Freddie Roach ukol sa kam­po ni Margarito na nakita sa video na ginagaya ang legendary trainer at ang kan­yang Parkinsons disease.

Kamakalawa ay napanood ni Roach ang naturang video na nagpakita kay Margarito, kanyang trainer na si Robert Garcia at stablemate Brandon Rios na nagkakatuwaan sa kanilang gym.

At ito ay dahil sa panggagaya nina Mar­garito at Rios sa galaw ni Roach.

vuukle comment

ALEX ARIZA

ARIZA

BRANDON RIOS

FREDDIE ROACH

MARGARITO

PACQUIAO

ROBERT GARCIA

SI ANTONIO MARGARITO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with