^

PSN Palaro

Pacquiao-Khan sparring papainit na

- Artemio Dumlao -

BAGUIO CITY, Philippines - Naka­tak­da nang painitin ni World Boxing Association world light welterweight division champion Amir Khan ang kanilang sparring session ni Manny Pacquiao sa su­sunod na linggo.

Kasabay ng kanyang paghahanda para sa kanyang title defense kay Ar­gen­tinian Marcos Maidana sa Disyembre sa La Vegas, Nevada, si Khan ang magiging kapalit ni Julio Cesar Chavez Jr.

Si Khan (23 wins, 1 loss, 17 knockouts) ay su­ma­bay kay Pacquiao sa pagtakbo ng walong ikot sa Phil. Sports Commission Track Oval sa Tea­chers Camp kahapon ng umaga at sinabing “since I arrive last week I already started conditioning to get into shape.”

Nakatakdang labanan ni Pacquiao si Antonio Mar­garito para sa bakanteng World Boxing Council light middleweight title sa Nob­yembre 13.

Sinabi naman ni four-time Coach of the Year Freddie Roach na inaasahan niyang makakasama sa sparring ni Pacquiao si Chavez sa kanilang pagda­ting sa Los Angeles.

Limang rounds ang ibi­nuhos ni Pacquiao laban kay Dominican Glenn Tapia noong Huwebs at tatlong rouds naman kay Mexican Michael Medina.

Hiniling na ni Pacquiao kay Roach na si Khan ang isa sa kanyang maging spar­mates dahilan sa tag­lay nitong hand speed na ipantatapat niya sa 5-foot-11 na si Margarito.

“Next week we’ll be ha­ving sparring with Manny, so Freddie Roach told me to get my timing and condition before stepping into the ring,” wika ni Khan.

Inaasahan na ring da­rating sa bansa si Armenian Vanes Martirosyan (28-0, 17 KOs) diretso sa kampo ng pound-for-pound king.

AMIR KHAN

ANTONIO MAR

ARMENIAN VANES MARTIROSYAN

COACH OF THE YEAR FREDDIE ROACH

DOMINICAN GLENN TAPIA

FREDDIE ROACH

JULIO CESAR CHAVEZ JR.

LA VEGAS

LOS ANGELES

PACQUIAO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with