^

PSN Palaro

GM Antonio nanganganib masibak sa RP Team

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Hindi mangingimi ang Na­tional Chess Federation of the Philippines (NCFP) na tanggalin si GM Joey An­tonio matapos nitong ituloy ang pagtungo sa US upang lumaro sa dalawang chess tournaments.

Si Antonio ay umalis pa­­tungong US at nanalo si­ya sa idinaos na 2nd Cen­tral California Open na idinaos sa Fresno, California nitong Agosto 19-22.

Nakapunta sa US sa tu­long ng PSC at PCSO, si Antonio ay maglalaro pa sa Atlantic Open mula Agost­o 27-29 at ang da­lawang torneong ito ay ginagamit niya bilang bahagi sa preparasyon sa 39th World Chess Olympiad sa Khanty-Mansiysk, Russia at sa Guangzhou Asian Games sa Nobyembre.

Ngunit nalalagay siya sa kontrobersya dahil hindi sang-ayon ang NCFP sa pamumuno ng pangulong si Prospero Pichay na lumahok siya sa US events na ito dahil tatlong araw lamang ang kompetisyon at hindi ito binasbasan ng FIDE.

Sa halip ay mas nais ni Pichay na ang mga national team players ay sumali sa 6th Pichay Cup at sa 1st Florencio Campomanes Memorial Cup na aaniban ng mga bigating GMs ng ibang bansa.

 Inabisuhan na si Antonio ng NCFP na bumalik agad ng bansa at lumahok sa Campomanes Cup na bubuksan sa Sabado sa Ni­noy Aquino Stadium o kung hindi ay mawawala siya sa national team.

Si Antonio na ikinate­gorya bilang elite athlete ng dating PSC chairman Harry Angping ay maglalaro bilang board two ng men’s teams.

Si Super GM Wesley So at mga GMs John Paul Gomez, Darwin Laylo at Eugene Torre ang mga nominado sa Pambansang koponan at kakatawan sa dalawang malalaking tor­neo.

AQUINO STADIUM

ATLANTIC OPEN

CALIFORNIA OPEN

CAMPOMANES CUP

CHESS FEDERATION OF THE PHILIPPINES

DARWIN LAYLO

EUGENE TORRE

FLORENCIO CAMPOMANES MEMORIAL CUP

GUANGZHOU ASIAN GAMES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with