^

PSN Palaro

Magandang pagbabalik ni Henin sa Wimbledon

-

LONDON - Gumawa si Justine Henin ng magandang pagbabalik sa Wimbledon nitong Lunes, sa pa­mamagitan ng pagposte ng straight sets na panalo na nagdala sa Belgian sa second round.

Pinatalsik ni Henin, halos 20-buwan na nagretiro, ang 20-anyos na Latvian na si Anastasija Sevastova, 6-4, 6-3 sa kanyang pagbabalik sa ladies’ singles sa All England Club sa unang pagkakataon mula noong 2007.

“It’s a very good feeling to be back,” ani Henin.“I see things differently now. I probably enjoy it much more. It’s been only a good thing since I arrived.

“Wimbledon has been one of the reasons why I decided to come back from retirement.

Hindi pa nananalo ang 28-anyos mula sa Lie­ge, mayroong apat na French Opens, dalawang US Opens at isang Australian Open crown, ng Wimbledon title kung saan tumapos lamang ito ng runner-up noong 2001 at 2006.

Samantala, magaan ring umusad ang five-time Wimbledon champion na si Venus Williams sa second round matapos na dispatsahin si Rossana De Los Rios ng Paraguay.

Halos dominahin ni Williams ang Wimbledon sa huling dekada nang maka­rating ng walo mula sa hu­ling 10 finals at ngayon tila muling pumapabor sa American ang suwerte ma­tapos na talunin si De Los Rios.

Nakatikim naman ng malaking upset ang fifth seed at French Open cham­pion na si Francesca Schiavone nang yumukod ito sa Russian na si Vera Dushevina, 6-7 (0/7), 7-5, 6-1.

Nangapa si Schiavone sa final set upang malasap ang kanyang ikalawang opening round na pagka­bigo mula ng kanyang ma­sikwat ang kanyang unang grandslam title sa Roland Garros nitong kaagahan ng kasalukuyang buwan.

vuukle comment

ALL ENGLAND CLUB

ANASTASIJA SEVASTOVA

AUSTRALIAN OPEN

DE LOS RIOS

FRANCESCA SCHIAVONE

FRENCH OPEN

FRENCH OPENS

HENIN

SHY

WIMBLEDON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with